IBCTV13
www.ibctv13.com

MSRP sa imported na bigas, ibababa pa sa P45/kilo – DA

Hecyl Brojan
113
Views

[post_view_count]

(Photo from PIA)

Muling ibababa ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported na bigas hanggang P45 kada kilo simula Marso 31, kasunod ng patuloy na pagbaba ng pandaigdigang presyo ng bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ito ay P19 na pagbaba sa retail price ng kada kilo ng imported rice kumpara sa presyo nito bago ipinatupad ang MSRP noong Enero 20.

Bago ang MSRP, umaabot sa P64 kada kilo ang bentahan ng imported rice sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang merkado, pagbawas sa taripa, at paglakas ng piso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), malaki ang naitulong ng MSRP sa pagpapababa ng presyo ng bigas at pagbaba ng antas ng inflation na bumagal sa 2.1% para sa buwan ng Pebrero ngayong taon, mas mababa sa inasahan ng merkado at ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang taripa ng bigas mula 35% patungong 15% noong Hulyo 2024. – VC

Related Articles