IBCTV13
www.ibctv13.com

Muling pagtakbo ni Guo bilang alkalde, pwedeng harangin ng COMELEC

Alyssa Luciano
310
Views

[post_view_count]

PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot following successful return to the Philippines on September 6. (Photo by DILG)

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na may kakayanan silang harangin ang muling pagtakbo ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa kaparehong posisyon kasunod ng kumpirmasyon ng kanyang legal counsel kaugnay sa nakatakda niyang pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections ngayong linggo.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mayroong ‘ministerial duty’ ang komisyon upang tanggapin ang COC ni Guo, ngunit mayroon din silang kapasidad na i-disqualify ang mga nasibak na opisyal ng Office of the Ombudsman.

Matatandaan nitong Agosto ay tinanggal sa serbisyo si Guo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac dahil sa ‘grave misconduct’ at pinagbawalan nang muling makapasok sa gobyerno.

Ayon kay Garcia, maaari nilang kanselahin ang kandidatura ni Guo sa oras na maihain ang kanyang COC batay sa mga umiiral na patakaran sa bansa at sa gitna ng mga isyu na kanyang kinahaharap.

“Mayroon kaming inilabas na resolution dalawang linggo na ang nakakalipas, sinabi namin sa resolution na ‘yan ang mga opisyal ng pamahalaan na dinismiss, tinanggal sa pwesto at may nakalagay na perpetually disqualified to hold public office ay amin kaagad tatanggalin kapag nag-file ng certificates of candidacy,” paliwanag ni Garcia.

Nauna nang inihayag ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, ang paghahain ng kanyang COC ngayong linggo.

“Marami rin naman siyang nagawang mabuti sa bayan ng Bamban. Marami pa ring nagmamahal sa kanya,” saad ni David.

Sa Disyembre 13 ilalabas ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga kandidatong pasok para sa 2025 midterm elections kung saan sisimulan na rin ang pag-imprinta ng mga balota bago matapos ang taon ayon kay Garcia. -VC

Related Articles