IBCTV13
www.ibctv13.com

Naging aksyon ni VPSD, hindi angkop sa pamantayan ng pagiging isang abogado – IBP

Divine Paguntalan
141
Views

[post_view_count]

Integrated Bar of the Philippines facade. (Photo by IBP)

Binigyang-diin ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Egon Cayosa na mataas na pamantayan ng ‘ethics and professionalism’ ang inaasahan sa isang abugado malayo sa naging aksyon ng pagmumura at pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bagaman nauunawaan ni Cayosa ang emosyon at sitwasyon ng Bise Presidente, hindi pa rin aniya ito dahilan upang mawalan siya ng pananagutan.

“The facts of the Vice President’s repeated cursing and claiming to have contracted for the killing of the President, the First Lady, and the Speaker of the House if she is killed, and her lawyering for her chief of staff are clear and very public,” saad ni Atty. Cayosa.

“We may try to understand her feelings or the circumstances confronting her but she remains accountable for her actions, especially so that she occupies a very high public position,” dagdag niya.

Ayon kay Cayosa, maraming beses nang nagpataw ng parusa ang IBP at Korte Suprema laban sa mga abugado na lumalabag sa Canons of Professional Responsibility and Accountability o ang paggamit ng hindi kaaya-ayang salita at unethical conduct kung kaya malinaw na may pananagutan ang sinumang abogado na lalabag dito, lalo na kung sila ay may obligasyon sa mataas na pwesto sa pamahalaan.

Pinapayuhan ni Cayusa ang lahat ng mga political leader na pagtuunan ng pansin ang pagtupad nila sa tungkulin at serbisyo para sa mga Pilipino at sa buong bansa.

“Our political leaders can better lead and serve our country if they comport themselves properly, work against a culture of violence and impunity, promote transparency, accountability and the rule of law, focus and cooperate to address the real and more pressing issues besetting the government and our country,” pagbibigay-diin ni Cayosa. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

93
Views

National

Ivy Padilla

102
Views

National

Ivy Padilla

279
Views