IBCTV13
www.ibctv13.com

NCR bettor, tinamaan ang P223-M jackpot ng Grand Lotto 6/55

198
Views

[post_view_count]

Isang masuwerteng mananaya mula sa Metro Manila ang nakapag-uwi ng jackpot prize na P223,580,197.60 matapos makuha ang winning combinations na 21-27-51-19-14-53 sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Lunes, Oktubre 6.

Nabili ng maswerteng mananaya ang winning ticket sa isang outlet sa Barangay Mariana, Quezon City.

Ayon sa PCSO, may isang taon ang nanalo para i-claim ang premyo sa kanilang main office sa Mandaluyong City, kung saan papatawan ito ng 20% buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Bukod sa jackpot winner, may 26 bettors din ang nanalo ng tig-P100,000 sa limang tamang numero, habang 1,059 bettors naman ang nakakuha ng tig-P1,500 sa apat na numero, at 24,038 ang may tig-P60 sa tatlong tamang numero.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. –VC

Related Articles

National

Darryl John Esguerra, Philippine News Agency

222
Views

National

Ruth Abbey Gita-Carlos, Philippine News Agency

128
Views