IBCTV13
www.ibctv13.com

OCD, nagbabala sa Kanlaon evacuees: ‘Hindi pa ligtas bumalik sa tahanan’

Jerson Robles
72
Views

[post_view_count]

Governor Chaco Sagarbarria visits the evacuation centers in Canlaon City (Photo from SALTA Canlaon)

Patuloy na ipinagbabawal sa mga evacuees mula sa mga high-risk na lugar sa Canlaon City, Negros Oriental na umuwi sa kanilang mga tahanan dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon ayon sa Office of Civil Defense (OCD)-Region 6.

Sinabi ni OCD-6 Director Raul Fernandez na ang hakbang ay para sa kaligtasan ng mga residente.

“It is not yet safe considering the volcano continues to manifest magmatic activities,” saad ni Fernandez.

“There’s always a first time for a major eruption and we don’t want you to be victims,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Fernandez ang panganib ng pyroclastic materials mula sa isang malaking pagsabog na maaaring umabot ng 14 km o higit pa.

“Lahar can move at high speeds,” aniya.

Relief assistance sa mga bakwit, tinutukan!

Suportado ni Canlaon City information officer-designate Edna Masicampo ang desisyon ni Mayor Jose Chubasco Cardenas na humiling ng karagdagang tulong mula sa probinsya at pambansang pamahalaan.

Ibinahagi ni Cardenas ang plano para sa buong lungsod ng Canlaon kung sakaling itaas ang Alert Level 4, na kinabibilangan ng pagkain, transportasyon, tirahan, at iba pang pangangailangan.

Hiniling din niya kay Governor Manuel Sagarbarria ang pamamahagi ng P5,000 na cash assistance para sa bawat ‘displaced person’.

Ayon kay Director Joel Erestain ng OCD 7, isa lamang ang wastong ruta para makalabas ng Canlaon City – ang daan patungong Vallehermoso.

As of 8:00 p.m. ng Lunes, 1,375 pamilya o 4,406 indibidwal ang nasa 10 evacuation centers habang 646 pamilya o 2,024 indibidwal naman ang nananatili sa kanilang mga kamag-anak.

Pinayuhan naman ni Fernandez ang mga evacuees na magparehistro sa mga awtoridad at pinaalalahanan na bumisita lamang sa kanilang mga bukirin mula ala-6 ng umaga at agad bumalik sa evacuation camps bago pumatak ng alas-4 ng hapon.

“This is for your own safety,” paalala ni Fernandez. – VC

Related Articles