Naglunsad ng isang Online Public Auction ang Pag-IBIG Fund na layong padaliin ang proseso ng pagbili ng mga bahay at lupa na alok ng Home Development Mutual Fund.
Ayon sa Pag-IBIG, kailangan lamang magrehistro ng homebuyers ng kanilang permanent Buyer ID at maaari na silang maghanap ng gusto nilang property.
Mayroon itong ‘Add to Cart’ feature gaya sa tipikal na online shopping application kung saan maaaring magsumite ang buyers ng kanilang bid para sa mga property.
“The OPA is Pag-IBIG Fund’s response to the government’s call to be innovative in the approach to making homeownership more accessible to Filipino workers. Through this new platform, we hope to make the process of buying Pag-IBIG Fund’s acquired assets convenient and more accessible,” pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Inihayag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatibo ng ahensya na matulungan ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng sariling tahanan sa pamamagitan ng pagsabay sa digitalization. – AL