IBCTV13
www.ibctv13.com

OVP chief of staff Lopez, pinalaya na; nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara

Ivy Padilla
242
Views

[post_view_count]

The Committee on Good Government and Public Accountability cited in contempt OVP chief of staff Atty. Zuleika Lopez for violation of Section 11-F of the House Rules or the undue interference in the conduct of the proceedings on November 20. (Photo by HOR)

Naglabas na ng release order ang Committee on Good Government and Public Accountability para kay Office of the Vice President (OVP) chief of staff Atty. Zuleika Lopez matapos ang 10-araw na pamamalagi sa detention facility ng House of Representatives nitong Sabado, Nobyembre 30.

Ang pagpapalaya kay Lopez ay kasunod ng pagkumpleto sa kanyang medical examinations. 

Nangako naman si Atty. Zuleika na dadalo sa lahat ng pagdinig at tutulong sa ginagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P612.5-milyong pondo ng OVP at Department of Education (DepEd). 

“In view of the undertaking to attend all hearings, you are hereby ordered to immediately release Atty. Zuleika T. Lopez after a medical examination has been conducted on her,” saad sa release order. 

Matatandaang ikinulong si Lopez sa detention facility ng Kamara noong Nobyembre 20 dahil sa umano’y “undue interference” sa imbestigasyon ng confidential funds ng DepEd at OVP. 

Nag-ugat ito matapos magpadala ng liham si Lopez sa Commission on Audit (COA) na humihimok sa nasabing constitutional body na huwag pansinin ang subpoena ng Kongreso para sa audit report ng confidential funds ng OVP para sa taong 2022 at 2023. 

Limang (5) araw na pagkakakulong lamang ang unang ipinataw kay Lopez ngunit pinalawig sa 10-araw dahil sa naging aksyon nito na malinaw umanong pagtatangka na hadlangan ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing pondo. – VC

Related Articles