IBCTV13
www.ibctv13.com

P125.8-M ayuda, naipamahagi na sa mga nasalanta ng bagyo — DSWD

Divine Paguntalan
147
Views

[post_view_count]

DSWD Field Office 2 – Cagayan Valley provided family food packs to typhoon-hit victims in the region with the help of Philippine Air Force. (Photo by DSWD)

Umabot na sa P125,837,413.17 halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na nasalanta ng mga nagdaang Typhoon Nika, Super Typhoon Ofel at Super Typhoon Pepito.

Batay ito sa pinakahuling datos ng kagawaran kung saan naitala na pumalo na sa 850,696 pamilya o katumbas ng 3,117,555 indibidwal ang naapektuhan mula sa mga nagdaang bagyo.

Kabilang naman sa mga rehiyon na higit na apektado ay ang Region I, II, III, V, VIII, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa kasalukuyan, nasa 115,963 pamilya ang nananatili sa 3,267 evacuation centers na nakakalat sa iba’t ibang rehiyon.

Tiniyak naman ng pamahalaan na patuloy ang pagbibigay ng tulong gaya ng food packs, financial assistance, at psychosocial intervention kasabay ng mas mabilis na rebuilding efforts sa mga imprastraktura na nasira ng hangin at baha, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na’t nalalapit na rin ang kapaskuhan. – AL

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

67
Views

National

Divine Paguntalan

83
Views