Masusi nang pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na itaas sa P15 ang minimum na pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJ).
Sa isang pahayag, tiniyak ng ahensya na tinitingnan nila ang lahat ng salik kabilang ang presyo ng gasolina, rate ng inflation, at ang pangkalahatang epekto nito sa mga komyuter.
“While we remain committed to ensuring that their livelihood is sustainable, we must also carefully balance this with the welfare of commuters who are equally affected by the current economic conditions,” saad ng LTFRB.
Dagdag ng LTFRB, magkakaroon ng mga public hearing at consultation sa posibleng pagtaas ng pamasahe matapos ang kanilang pagsusuri upang matiyak ang ‘transparency’ at ‘inclusivity’ ng gagawing desisyon.
“Rest assured, the LTFRB remains committed to delivering solutions that are fair and equitable for both our transport operators and commuters,” pagtitiyak nito.
Kasalukuyang nasa P13 ang minimum fare para sa tradisyunal na mga PUJ habang P15 naman ang pamasahe sa modern PUJs. – AL