IBCTV13
www.ibctv13.com

P156-M halaga ng tulong, nahatid ng DSWD sa mga biktima ng bagyong Nika, Ofel at Pepito

Ivy Padilla
105
Views

[post_view_count]

Angels in Red Vest of DSWD Field Office CAR distributed food and non-food items for typhoon-hit families in the towns of Lagawe, Kiangan, Hingyon, and Asipulo in Ifugao. (Photo by DSWD)

Umabot na sa kabuuang P156,059,441.23 ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng nagdaang Typhoon Nika at ng dalawang Super Typhoon na si Ofel at Pepito.

Sa latest DROMIC report ng DSWD as of 6:00 a.m. ngayong Miyerkules, Nobyembre 20, pumalo na sa 1,023,856 pamilya o katumbas ng 3,788,757 katao ang ang apektado ng kalamidad.

Ang mga ito ay mula sa 6,857 barangay sa Regions I,II,III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VIII at Cordillera Administrative Region na lubos na apektado ng mga nagdaang kalamidad.

Sa ngayon, pansamantalang tumutuloy ang 91,299 pamilya o 362,526 indibidwal sa 2,439 na binuksang evacuation centers habang mas pinili namang manatili ng 48,949 displaced families sa labas ng temporary shelters.

Aabot sa 6,598 kabahayan ang naiulat na ‘totally damaged’ habang nasa 35,277 naman ang ‘partially damaged’.

Patuloy ang ginagawang paghahatid ng tulong para sa mga biktima ng bagyo alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibangon ang bawat apektadong mamamayan. – AL

Related Articles

National

59
Views

National

Divine Paguntalan

49
Views