IBCTV13
www.ibctv13.com

P2.9-B planong pamumuhunan ng Thai fiber cement manufacturer sa Pilipinas, ikinatuwa ni PBBM

Ivy Padilla
246
Views

[post_view_count]

President Marcos attended a meeting with SHERA Public Company Ltd top executives in Vientiane, Laos on the sidelines of the 44th and 45th ASEAN Summit and Related Summits in Lao PDR. (Photo by PCO)

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang planong pamumuhunan ng SHERA Public Company Ltd. ng halagang P2.9-bilyon sa Pilipinas para sa produksyon ng fiber cement building materials sa local at export markets.

Sa sidelines ng kanyang official visit sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits, nakapulong ng Pangulo ang top executives ng Thailand company sa Vientiane, Laos.

Pinuri niya ang pagsama ng ‘environmental aspect’ sa kanilang planong operasyon sa bansa.

“You started earlier and now you have products that I don’t think I’ve seen anywhere else that can claim that kind of green credibility that your products have, including the power that you use is also well,” saad ng Pangulo.

Umaasa ang Pangulo na magiging sagot ang proyekto ng SHERA para sa pagtugon ng bansa sa kasalukuyang backlog sa pabahay sa pamamagitan ng mga ready-to-build housing materials.

“You can build a whole house with it already. Because I saw the wall application, the roof application, every floor, et cetera. That’s remarkable,” ani Pangulong Marcos.

Nakatakdang itayo ng SHERA company ang planta nito sa loob ng TECO Industrial Park sa Mabalacat City, Pampanga na inaasahang magsisimula ang operasyon sa unang quarter ng 2025.

Aabot sa 120 hanggang 150 full-time job ang inaasahang magbubukas para sa mga manggagawa. -VC