Masuwerteng mananaya mula Barangay Payatas B, Quezon City ang nakapag-uwi ng P20,523,660.60 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Lunes, Agosto 25.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 40 – 05 – 16 – 03 – 20 – 27 sa naturang draw.
Ayon sa PCSO, may isang taon ang mananaya upang makuha ang kanyang premyo sa kanilang main office sa Mandaluyong City, kung saan papatawan ito ng 20% buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Bukod sa jackpot winner, 31 bettors naman ang nagwagi ng tig-P50,000 matapos makakuha ng limang tamang numero.
May 1,315 winners din ng tig-P1,200 para sa apat na tamang numero, habang 21,237 mananaya ang tumanggap ng tig-P50 para sa tatlong tamang numero.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL