IBCTV13
www.ibctv13.com

P20 Bigas program, isasama sa ‘Walang Gutom’ program ng DSWD

Divine Paguntalan
142
Views

[post_view_count]

P20 rice per kilo is being sold at a Kadiwa center. (IBC file photo)

Isinusulong ngayon ng pamahalaan na maisama ang Bente Bigas Program sa “Walang Gutom” Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mas mailapit sa mahihirap na pamilya ang abot-kaya ngunit de-kalidad na pagkain.

Sa press briefing ngayong araw, Hunyo 3, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-ibayuhin ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa kagutuman.

Sa pamamagitan ng murang bigas, mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo ng WGP na magamit ang parehong halaga ng food credits sa mas marami pang pagkain.

Iniulat ni Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang DSWD kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para tiyaking mabibigyan ng suplay ng P20 rice ang partner retailers ng WGP gaya ng Kadiwa at mga maliliit na agri-cooperatives.

“Bibigyan sila ng supply ng bente pesos na bigas para ‘yung credits nila, mas marami silang mabili,” saad ni Gatchalian.

Sa ilalim ng WGP, mari-redeem ng mga benepisyaryo ang kanilang buwanang food credits sa piling retailers ng programa.

Sa ngayon ay nagsumite na ang DSWD sa DA ng listahan ng humigit-kumulang 1,000 accredited retailers para sa rollout ng programa. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

101
Views

National

Hecyl Brojan

134
Views