IBCTV13
www.ibctv13.com

P20 kada kilong bigas, handog ni PBBM sa kanyang ika-68 kaarawan

Hecyl Brojan
68
Views

[post_view_count]

Photo from Presidential Communications Office (PCO)

Sa pagdiriwang ng ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong darating na Sabado, Setyembre 13, ilulunsad ng pamahalaan ang “Handog ng Pangulo” na isang espesyal na edisyon ng programang “Bente Bigas, Meron Na!” (BBM Na!) tampok ang P20 kilo na bigas para sa lahat ng Pilipino.

Aabot sa 100 KADIWA ng Pangulo sites sa buong bansa ang sabayang magbubukas mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., kung saan lahat ay maaaring bumili basta’t magpakita lamang ng valid ID.

Target ng Department of Agriculture (DA) na mapakinabangan ito ng humigit-kumulang 88,000 pamilya o katumbas ng 352,000 indibidwal.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang espesyal na araw na ito ay hindi lamang selebrasyon kundi isang pagkakataon upang masubukan ang malawak na implementasyon ng P20 rice program.

Inatasan na ni Pangulong Marcos ang DA na palawakin pa ang BBM Na! project upang maabot ang 15 milyong kabahayan o 60 milyong Pilipino pagsapit ng 2025 at mapanatili ito hanggang 2028.

Bukod sa murang bigas, magsasagawa rin ang ahensya ng pamamahagi ng mga makinarya at iba pang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda sa iba’t ibang rehiyon, habang personal na pangungunahan ni Secretary Laurel ang aktibidad sa Koronadal, South Cotabato.

Layunin ng programa na tiyakin ang abot-kayang presyo ng bigas at patuloy na palakasin ang food security at modernisasyon ng agrikultura sa buong bansa. –VC

Related Articles

National

Ruth Abbey Gita-Carlos – Philippine News Agency (PIA)

118
Views