Paghahatian ng dalawang maswerteng mananaya ang P22,432,132.60 na jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Martes, Abril 29.
Maswerte nilang nahulaan ang winning combinations na 24-02-10-09-25-05
Samantala, bigo namang maiuwi ang P49,500,000.00 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/49 at P18,428,250.60 jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola sa kaparehong petsa.
Mamayang Miyerkules, Abril 30 ay bobolahin naman ang P264 milyon na maaaring mapanalunan ng mga mananaya sa Grand Lotto 6/55.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL