Solong maiuuwi ng isang maswerteng mananaya ang tumataginting na P223,728,165.20 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Linggo, Abril 6.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning digits na 9 – 11 – 2 – 23 – 26 – 7.
Samantala, wala namang nakakuha sa jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na nagkakahalaga ng P65,907,081.60 na may winning combination na 28-26-41-38-44-9.
Narito naman ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL