IBCTV13
www.ibctv13.com

P246.8-M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, walang nanalo

Divine Paguntalan
120
Views

[post_view_count]

Bigong masungkit ang tumataginting na P246,834,914.80 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Sabado, Abril 26.

Hindi nahulaan ng mga mananaya ang winning combination na 47-6-36-11-53-42.

Wala ring nanalo ng P15,200,401.80 jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola sa kaparehong araw kung saan may winning numbers ito na 4-30-40-3-18-38.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.