Pumalo na sa P283 million ang jackpot prize na posibleng maiuwi ng maswerteng mananaya sa Grand Lotto 6/55 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mamayang gabi, Mayo 5.
Ito ay matapos bigong mahulaan ang winning numbers na 22 – 2 – 35 – 37 – 42 – 19 na may jackpot prize na P274,035,873.20 nitong Sabado, Mayo 3.
Samantala, papatak naman sa P32.5 million ang jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na bobolahin din ngayong gabi ng Lunes.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – VC