IBCTV13
www.ibctv13.com

P284-B COB ng PhilHealth para sa 2025, aprubado na!

Jerson Robles
303
Views

[post_view_count]

PhilHealth office in Quezon City (Photo from PNA)

Inaprubahan na ng mga miyembro ng board of directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang corporate operating budget (COB) nito na nagkakahalaga ng P284 billion na ilalaan para sa taong 2025.

Mas mataas ito ng 10% kumpara sa P259 bilyon na budget noong 2024.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang COB ay ang bersyon ng PhilHealth sa General Appropriations Act (GAA) na ginagamit para sa mga programa nito.

Paliwanag ng ahensya, ang corporate operating budget ng PhilHealth ay pinopondohan mula sa mga kontribusyon ng mga miyembro, interes, at iba pang pinagkukunan ng kita.

Tiniyak naman ni Herbosa na ang P284 bilyong pondo na ito ay isinasaalang-alang sa zero government premium subsidy para sa mga indirect contributors.

Kasama rin dito ang subsidiya mula sa pambansang gobyerno na pangunahing sumusuporta sa mga kontribusyon para sa mga indigents, senior citizens, at persons with disabilities.

Tinatayang mula sa P284 billion na COB ng PhilHealth ay P271 billion dito ang ilalaan upang masakop ang mga benepisyo at mga pagtaas sa case rates at mga benepisyo tulad ng mga sumusunod:

– Z Benefits
– PhilHealth Konsulta – P1,700 hanggang P2,100 capitation bawat tao
– 156 Hemodialysis Sessions – P6,350 bawat tao
– Emergency Care Funds
– Outpatient Mental Health Funds
– Severe Acute Malnutrition Funds
– Iba pang standalone outpatient packages

Sa isang pahayag, sinabi rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa na inaprubahan na ng BOD ang pagtaas ng ilang case rates nang hanggang sa 50% para sa emergency care benefits, glasses at optometric services para sa mga bata, open heart surgery benefits, at pediatric cataract extractions.

“The Board approved higher benefits and a budget for 2025 that recognizes the need for PhilHealth to spend more so that families will spend less,” paliwanag ni Herbosa. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Ivy Padilla

112
Views

National

Ivy Padilla

93
Views