Bigo pa ring maiuwi ng mga mananaya ang P41,856,704.80 na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 matapos ang 9:00 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi, Pebrero 1.
Ito ay matapos walang makahula sa winning combinations na 51 – 21 – 1 – 16 – 33 – 38.
Kasabay nito ay hindi rin nakuha ang P6,618,790.00 jackpot sa Lotto 6/42 na may winning digits na 8 – 29 – 18 – 15 – 38 – 27.
Narito ang schedule ng mga lotto games mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.