IBCTV13
www.ibctv13.com

P49.5-M jackpot prize, naghihintay sa maswerteng mananaya ng Ultra Lotto 6/58

Ivy Padilla
26
Views

[post_view_count]

Tumataginting na P49,500,000.00 ang jackpot prize na maaaring mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nitong Linggo, Abril 20, bigong maiuwi ang nasabing jackpot prize matapos walang makahula sa winning digits na 53 – 20 – 11 – 35 – 19 – 37.

Samantala, pumalo na sa P16.5 milyon ang jackpot estimates para sa Mega Lotto 6/45 dahil walang nakapag-uwi ng papremyo nitong nagkakahalaga ng P13,231,485.40 na binola nitong Abril 23.

Ito ay may winning numbers na 21 – 14 – 16 – 33 – 30 – 25.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL