IBCTV13
www.ibctv13.com

P53.5-B halaga ng pamumuhunan, naaprubahan ngayong 2025 – BCDA

Ivy Padilla
75
Views

[post_view_count]

Pumalo sa P53.5 bilyon ang halaga ng naaprubahang pamumuhunan sa loob unang pitong buwan ngayong 2025, mas mataas ng 63.82% kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2024 batay sa datos ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

“These numbers represent opportunities for thousands of Filipinos and signal the private sector’s trust in our vision of building resilient, smart, and inclusive cities,” pagbibigay-diin ni BCDA President and CEO Joshua M. Bingcang.

Inaasahang bubuo ang nasabing pamumuhunan ng humigit-kumulang 7,000 trabaho sa BCDA-managed economic zones, partikular sa New Clark City sa Tarlac City at Camp John Hay sa Baguio City.

“As we drive progress in Central and Northern Luzon, we are proving that government-led development can attract private capital, unlock economic potential, and transform entire regions,” dagdag ni Bingcang.

Kabilang sa mga major investor at partner na lumagda ng pamumuhunan sa BCDA ang Science Park of the Philippines, Inc., Sta. Clara International–Saekyung Realty, Bangko Sentral ng Pilipinas, Ayala Land, Inc., Stern Real Estate, Top Taste and Trading, Inc., Amare La Cucina, at Prime Collective Corp.

Ang pataas na trajectory ng BCDA ay direktang sumusuporta sa eight-point socioeconomic agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., partikular sa paglikha ng trabaho, pag-unlad ng rehiyon, at pagpapabuti sa investment climate. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

74
Views