IBCTV13
www.ibctv13.com

P60-B pondo para sa libreng kolehiyo at TechVoc, ilalaan sa 2026 — PBBM

Hecyl Brojan
131
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. said the government will allot a P60-B fund for free higher education programs in college and TechVoc programs under the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 28, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang paglalaan ng halos P60 bilyong pondo para sa libreng pampublikong edukasyon sa kolehiyo at technical-vocational (TechVoc) training program sa taong 2026.

Ayon sa Pangulo, ang pondo ay upang matiyak ang patuloy na access ng milyun-milyong kabataan sa edukasyon, partikular ang mga anak ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa kasalukuyan, mahigit dalawang milyong estudyante kada taon ang nakikinabang sa free higher education program, kabilang ang karagdagang 260,000 kabataan na nadagdag sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Binigyang-diin ng Pangulo na prayoridad ng gobyerno na magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng kahit isang miyembro na nakapagtapos ng kolehiyo o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) program.

Kasabay nito, patuloy ang paglago ng scholarship grants mula sa TESDA, kung saan mahigit 200,000 karagdagang iskolar ang nadagdag noong 2024.

Dahil dito, ibinida ng Pangulo na mas maraming Pilipino na ang nagkaroon ng kasanayan at kwalipikasyon na handa sa merkado.

“Kitang-kita natin ang bunga ng mga programang ito. Napakataas ngayon ng bilang ng kabataan nating pumasok sa kolehiyo o sa TESDA,” saad ng Pangulo.

Ngayon, pumapangalawa na ang Pilipinas sa buong Southeast Asia na may maraming kabataang naka-enrol sa kolehiyo at TechVoc programs.

Hinihikayat naman niya ang mga magulang na samantalahin ang oportunidad na ito para sa kanilang mga anak.