IBCTV13
www.ibctv13.com

P60 taya ng isang babae sa QC, lumago sa P100-M matapos tamaan ang jackpot prize sa Lotto 6/42

Ivy Padilla
144
Views

[post_view_count]

Lotto ticket of the lone bettor who won the P100.89 million Lotto 6/42 jackpot draw on March 18, 2025. (Photo by PCSO)

Mula sa P60 taya, maswerteng naiuwi ng isang 23-anyos na babae mula sa Quezon City ang tumataginting na P100,890,109.20 jackpot prize ng Lotto 6/42 sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) noong Marso 18.

Nahulaan ng lucky bettor ang winning combinations na 19-2-21-13-16-22 na matagal na nitong tinatayaan.

Ayon sa pahayag ng PCSO, gagamitin ng nanalo ang kanyang papremyo bilang pambayad ng utang matapos ma-bankrupt ang kanilang negosyo.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)

– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)

– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)

– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)

– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL