IBCTV13
www.ibctv13.com

P80-milyong halaga ng ayuda, ipinagkaloob ni PBBM sa LGU ng Albay, Naga City

Ivy Padilla
307
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. handed over P80 million financial assistance to the local government units of Naga City and Albay on Saturday, October 26. (Screengrab from RTVM)

 

Nagkaloob si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng tulong pinansyal sa mga lokal na pamahalaan ng Naga City at Albay na parehong nagtamo ng malaking pinsala bunsod ng pananalasa ng nagdaang Severe Tropical Storm (STS) Kristine.

Personal na inabot ni Pangulong Marcos Jr. ang P30-milyong halaga ng tulong kay Naga City Mayor Nelson Legacio sa ginanap na situation briefing sa Naga City ngayong Sabado, Oktubre 26.

Tumanggap naman ng kabuuang P50-milyong halaga ng financial assistance si Acting Albay Governor Glenda Ong-Bongao mula sa Office of the President.

Ibinalita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa briefing na nagpadala ang ahensya ng karagdagang 35,000 family food packs (FFPs) sa Naga City.

“So, today (Saturday) we’re delivering 8,000, mamayang gabi another four, so 12. And then, we’ll be finished with another – one to two days tapos na ho ‘yung buong 35 [thousand],” saad ni Gatchalian.

Sa kabuuan, umabot na sa 35,000 pamilya o katumbas ng 161,329 indibidwal ang lubos na naapektuhan ng bagyo sa Naga City kung saan higit 30 porsyento ng lupain ang nalubog sa baha. -VC

Related Articles