
Aabot sa P91 milyon ang guaranteed minimum jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58 simula Oktubre 29, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-91 anibersaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, patuloy na tataas ang jackpot prize hangga’t walang nagwawagi ng premyo habang ibabalik ito sa orihinal na minimum guaranteed amount sa oras na mapanalunan.
Ipinaalala rin ng ahensya na ang mga premyong higit sa P10,000 ay may 20% Documentary Stamp Tax alinsunod sa TRAIN Law, at ang lahat ng premyo ay neto na ng agents’ prize commission.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo para antabayanan ang lotto draws:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. –VC











