May tyansa ka pang maging milyonaryo matapos bigong mapanalunan ang tumataginting na ₱97,588,745.20 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 21.
Bigong mahulaan ng lotto bettors ang winning numbers na 12 – 55 – 36 – 10 – 14 – 40.
Kasabay nito ay wala ring nanalo sa ₱13,567,830.00 na jackpot sa Mega Lotto 6/45 matapos walang makakuha sa winning digits na 36 – 8 – 11 – 43 – 25 – 14.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.