IBCTV13
www.ibctv13.com

Paaralan sa Siargao, unang nakinabang sa programang libreng Wi-Fi ng pamahalaan

Divine Paguntalan
149
Views

[post_view_count]

Cabawa Elementary School, situated in an island village in Dapa, Surigao del Norte, is among the schools prioritized to receive support from the national government. (Photo from Bobby Navarro via PNA)

Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang internet access sa mga pampublikong paaralan hanggang sa liblib na lugar, naghatid ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng programang “Free Wi-Fi for All” sa Cabawa Elementary School (CES) sa Dapa, Siargao Island.

Bahagi ito ng suporta ng pamahalaan para sa unti-unting pagbangon ng paaralan mula sa hagupit ng bagyong Odette noong 2021.

Ayon kay Bobby Eres Navarro, school head ng CES, malaking pagbabago ang naidulot ng koneksyon, partikular sa mga batang mag-aaral na ngayon ay nakakagamit na ng online learning materials sa pamamagitan ng telebisyon.

May 60 estudyante at limang guro sa iba’t ibang antas, hindi biro ang hamon sa pagtuturo sa nasabing barangay na umaabot sa 30 minuto ang biyahe gamit ang bangka.

Maliban sa benepisyo sa pag-aaral, nagagamit din ng mga guro ang internet sa pakikipag-ugnayan sa Schools Division Office ng isla para ma-access ang mga kailangang modules, forms, at learning materials na dati ay abot-kamay lang sa mainland.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr. target ng pamahalaan na maabot ang 100% school connectivity bago matapos ang 2025, at unang tinututukan ang mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA). – VC