
Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines ang pagbagsak ng isa sa mga Super Huey aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa bisinidad ng Loreto, Agusan del Sur ngayong Martes, Nobyembre 4, na patungo sanang Butuan City bilang suporta sa relief operations para sa epekto ng bagyong Tino.
Ipinadala ang aircraft upang magsagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) missions sa Tactical Operations Group 10 Area of Responsibility.
Nagpapatuloy ang rescue at recovery operations sa pinagbagsakan ng Super Huey habang mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng PAF sa mga tumutugon na emergency response teams sa lugar.
Nanawagan naman ang ahensya ng pang-unawa, panalangin, at kooperasyon sa publiko sa gitna ng paghahanap sa mga crew na sakay ng chopper.











