
Posibleng pumalo sa danger level na 50 hanggang 51 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index na maaaring maitala sa Pilipinas sa buwan ng Abril, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay PAGASA monitoring and weather prediction head Ana Liza Solis, posibleng ideklara sa susunod na linggo ang pagpasok ng tag-init kung saan asahan ang mas maalinsangan pang panahon.
Gayunpaman, tiniyak naman ng weather bureau na hindi na papalo sa 52 degrees Celsius pataas ang peak ng heat index gaya ng naranasan noong 2024 dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Patuloy naman na pinapaalalahan ang publiko na mag-ingat sa banta ng mga sakit na dulot ng sobrang tag-init. – AL