IBCTV13
www.ibctv13.com

PAGASA: Mababa ang tsansa na may mabuong bagyo sa susunod na 2 linggo

Ivy Padilla
297
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC News

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mababa hanggang katamtaman ang tsansa na may mabuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawang linggo.

Sa forecast summary ng PAGASA mula Oktubre 9-15, posibleng may mabuo na TC-like vortex (TCLV) sa may northeastern boundary ng Tropical Cyclone Information Domain (TCID) na may mababa hanggang sa katamtamang tsansa na maging bagyo.

Samantala, mula Oktubre 16-22, ang TCLV ay posibleng mabuo naman sa southeastern boundaries ng PAR at Tropical Cyclone Advisory Domain (TCAD) na mababa rin ang tsansa na maging bagyo.

Gayunpaman, patuloy na pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. -VC