Wala nang namamataang bagong low pressure area (LPA) o tropical cyclone ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules, Nobyembre 20.
As of 10:00 a.m., walang bagong sama ng panahon ang nagbabadyang mabuo sa loob at labas ng PAR.
Sa ngayon, patuloy ang paglayo ng Tropical Depression Man-Yi o dating bagyong Pepito sa bansa na huling namataan sa layong 975 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 45 km/h at pagbugsong umaabot hanggag 55 km/h.
Dahil sa paglayo ng mga bagyo, tuluyan nang idineklara ng PAGASA sa bansa ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan sa bansa nitong Martes, Nobyembre 19. – AL