IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyo, ipinag-utos ni PBBM

Ivy Padilla
504
Views

[post_view_count]

Lemery, Batangas experienced flooding due to Severe Tropical Storm Kristine. (Photo by Sarah Jane Panaligan/Facebook)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agaran ngunit ligtas na pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng mga bagyo.

Binigyang-diin ng Office of the Civil Defense (OCD) na kinakailangang mag-ingat sa pagsasaayos ng mga kable upang maiwasan ang anumang aksidente

“The power was brought [up] by President Bongbong, but the power return is not that simple. The communication should be addressed immediately. The power should be returned carefully,” saad ni OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno

Tulad ng komunikasyon sa mga concern agency, mahalaga ito ayon kay Usec. Nepomuceno dahil posibleng pumutok o magkaroon ng disgrasya kapag biglaang binuhay ang daloy ng kuryente.

Tinututukan din ng OCD ang pagbabalik ng internet connection sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Unang una, iyong komunikasyon, hindi lang ng pamahalaan pati ‘yung mamamayan natin. Kaya iyong sa tulong rin ng DICT, sina Secretary Ivan Uy, kaagad-agad nagpapadala sila ng kapabilidad, ‘yung equipment, magkaroon ng internet connection,” ani Nepomuceno.

Hinimok ng opisyal ang mga apektadong lugar, partikular ang Batanes, na huwag mag-alala dahil magpapadala agad ng tulong ang pamahalaan sa oras na gumanda ang panahon.

“We are here to help you. It is a commitment from the government. Your government is here,” dagdag niya. -VC

Related Articles