IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagdaan ng Russian attack submarine sa WPS, isang freedom of navigation – NSC

Jerson Robles
465
Views

[post_view_count]

Russian attack submarine was seen 80 nautical west of Occidental Mindoro in the West Philippine Sea. (Photo Courtesy: Philippine Navy)

Sa gitna ng pagkabahala sa nakumpirmang presensya ng isang Russian attack submarine noong Nobyembre 28 sa bahagi ng West Philippine Sea, tiniyak ng Philippine Navy na kaagad silang nag-deploy ng mga asset upang subaybayan ang galaw nito at matiyak ang seguridad ng katubigan sa Pilipinas.

Sa pangunguna ng BRP Jose Rizal (FF150) ng Philippine Navy, hinamon nito sa isang radio challenge ang sasakyang pandagat o Ufa 490 kung saan napag-alaman na galing ito sa isang maritime exercise kasama ang Royal Malaysian Navy na ginanap sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Dahilan ng Russian force, hinihintay lamang nila gumanda ang panahon kaya kinailangan munang maglayag sa katubigan, 80 nautical west ng Occidental Mindoro.

“Inaantay lang niya na gumanda ang panahon kaya siya nag-surface at ipapaalam niya sa atin kapag ready na siya bumalik sa Russia…Technically, the Russian ship is exercising freedom of navigation,” pahayag ni Asst. Gen. Director Jonathan Malaya sa isang panayam sa kanya sa Bagong Pilipinas Ngayon.

Habang naglalakbay ang Russian ship, nanatiling naka-escort at naka-monitor ang BRP Jose Rizal upang matiyak ang pagsunod ng submarine sa mga regulasyon sa dagat sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Malinaw naman na naipakita ng AFP ang kanilang dedikasyon na protektahan ang soberanya ng bansa sa dagat habang pinapanatili ang propesyonalismo sa pakikitungo sa mga banyagang naval vessels.

Ang presensya ng Ufa ay nagdulot ng pangamba kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at tinawag itong “very worrisome.”

Naniniwala ang Pangulo na anumang panghihimasok sa West Philippine Sea o sa EEZ ng bansa ay isang seryosong usapin. -VC

Related Articles