IBCTV13
www.ibctv13.com

Paghahain ng impeachment case vs. VPSD, ‘waste of time’ at hindi mahalaga – PBBM

Ivy Padilla
195
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. answered the media in an ambush interview after the distribution of E-Titles and Certificates of Condonation with Release of Mortgage in Lucena City, Quezon today, November 29. (Screengrab from RTVM)

Hindi suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasampa ng ‘impeachment complaint’ laban kay Vice President Sara Duterte dahil wala aniya itong katuturan at magandang maidudulot sa buhay ng bawat Pilipino.

Binigyang-diin ng Pangulo na aksaya lamang sa oras ang nasabing hakbang nang tanungin sa isang media interview sa Quezon province ngayong Biyernes, Nobyembre 29.

“This does not make any difference to any one single Filipino life. So why waste time on it?,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ayon pa sa punong ehekutibo, kukunin lamang ng paghahain ng impeachment ang malaking oras ng House of Representatives at Senado.

“It will just take up all of our time. And for what? For nothing. As far as I’m concerned, it’s a storm in a teacup,”saad ng Pangulo.

Kinumpirma rin ni Pangulong Marcos Jr. ang umano’y ‘leaked’ message niya na naghihikayat sa mga mambabatas na huwag nang magsampa ng impeachment case sa Bise Presidente.

“It was actually a private communication but na-leak na, yes. Because that’s really my opinion,” saad ng Pangulo.

Nitong mga nakaraang araw ay naging maugong ang panawagang impeachment laban kay Duterte kasunod ng kanyang pagmumura at pagbabanta sa buhay nina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

118
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

331
Views