IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagkakaroon ng pananampalataya, tungo sa mas matagumpay na pamumuno – PBBM

Divine Paguntalan
215
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the 49th Philippine National Prayer Breakfast on November 18, 2024.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga ‘aspiring leaders’ na gawing gabay sa kanilang pamumuno at pagseserbisyo sa mamamayan ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya.

Sa pangunguna ni Pangulong Marcos Jr. sa 49th Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) ngayong Lunes, Nobyembre 18, binigyang-diin niya na magandang mag-iwan ng legasiya ang bawat lider tulad ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa integridad, mas malawak na pananaw at pagkakaisa upang makamit ang matagalang tagumpay para sa lahat.

“Today, I extend an invitation to recommit: Recommit to the responsibility of service imbued with faith, where decisions are made not in haste but with prayerful discernment,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos Jr.

“Let us renew our pledge to seek divine wisdom, to build bridges where there are divides, and to lead with conviction that our nation’s best days are ahead of us,” dagdag pa niya.

Inihayag din ng Pangulo na napakahalagang pagkakataon ang nasabing Prayer Breakfast matapos subukin ang Pilipinas ng sunud-sunod na nagdaang bagyo mula pa kay Severe Tropical Storm Kristine hanggang kay Super Typhoon Pepito.

“Our collective faith and prayer to the Almighty is the most powerful tool that we have to weather these storms and the destruction that they bring. And so, it is with gratitude and a sense of purpose that I join this Philippine National Prayer Breakfast or PNPB,” mensahe ng Pangulo. – AL