IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagkalugi ng ekonomiya sa ‘ghost’ flood control projects, umabot na ng P100-B – Recto

Hecyl Brojan
101
Views

[post_view_count]

Photo from the Presidential Communications Office (PCO) during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s inspection of a flood control project in Calumpit, Bulacan.

Labis na ikinabahala ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga ulat ng anomalya at katiwalian sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagdulot na mula P42.3 bilyon hanggang P118.5 bilyong pagkalugi sa ekonomiya ng bansa mula 2023 hanggang 2025.

Sa pagdinig ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado ngayong Martes, Setyembre 2, sinabi ni Recto na katumbas ng halaga ang pagkawala ng 95,000 hanggang 266,000 trabaho na sana’y napakinabangan ng mga Pilipino.

“Raising revenues is no joke. Tapos makikita mo lang na hindi ito napupunta sa mga tamang proyekto at sa kapakanan ng taong bayan, ‘yung iba naging multo pa,” ani Recto.

Binigyang-diin din ni Recto ang buong suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahigpit na bantayan ang 2026 National Expenditure Program (NEP) upang matiyak na mapupunta ang pondo sa makabuluhan at lehitimong proyekto.

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo ang audit at review ng mga flood control project at inihayag na malapit nang mabuo ang isang independent body para imbestigahan ang mga anomalya sa nasabing ahensya. –VC