IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglagda sa IRR ng Magna Carta of Filipino Seafarers, ikinatuwa ni Sen. Tulfo

Ivy Padilla
95
Views

[post_view_count]

Senator Raffy Tulfo (Photo by Senate of the Philippines)

Lubos na ikinatuwa ni Committee on Migrant Workers Chairperson Senator Raffy Tulfo ang paglagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 12021 o ang “Magna Carta of Filipino Seafarers” nitong Miyerkules, Enero 8.

Si Sen. Tulfo ang principal sponsor at isa sa pangunahing may-akda ng Magna Carta sa Senado.

Binigyang-diin ng senador na produkto ang nasabing IRR ng masusing konsultasyon at pagsusuri ng mga stakeholder upang matiyak na ang bawat probisyon ay makatutulong sa lahat ng mga Pilipinong marino.

“Ang IRR na ito ang sisiguro na masusunod ang mahahalagang probisyon ng batas at magtitiyak na sapat na mapoprotektahan ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga Filipino Seafarer sakaling may kaharapin silang mga problema habang ginagampanan ang kanilang tungkulin,” ani Tulfo.

Dagdag niya, kabilang sa magandang dulot ng IRR ang pagsulong sa ‘full employment’ sa mga tripulanteng Pilipino at pagtiyak sa pantay na oportunidad sa maritime industry gaya ng access sa edukasyon, pagsasanay at iba pa.

Nangako si Tulfo na patuloy susubaybayan ang pagpapatupad sa nasabing batas upang matiyak na mapoprotektahan ang karapatan ng mga marino, gayundin ang lagay ng kanilang trabaho.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga kababayang manlalayag.

Matatandaang nilagdaan ng punong ehekutibo bilang isang ganap na batas ang Magna Carta of Filipino Seafarers noong Setyembre 23, 2024. – VC

Related Articles

National

Jerson Robles

94
Views

National

Divine Paguntalan

203
Views