Nananatili ang Pilipinas bilang isa sa mga ‘fastest growing economy’ sa Asya matapos makapagtala ng 5.2% growth sa Gross Domestic Product para sa third (3rd) quarter ng 2024 ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa ginanap na press conference ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, iniulat ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na umabot sa 5.8% ang ‘Average GDP Growth’ sa unang tatlong quarter ngayong taon kung saan malapit na ito sa inaasam na 6-7% growth rate ng ahensya para sa Pilipinas.
“Of the countries that have reported their 3rd quarter GDP growth rates, we remain one of the fastest growing Asian economies. We follow Vietnam which posted a 7.4% growth rate. and are ahead of Indonesia with 4.9%, China with 4.6 percent, and Singapore 4.1 percent,” saad ni Balisacan.
Ipinaliwanag naman ng NEDA na ang nakikitang dahilan sa mabagal na paglago ng ekonomiya ngayon ay ang mga nagdaang sakuna kabilang na ang epekto ng El Niño, oil spill noong Hulyo, at mga nagdaang bagyo na nakakaapekto sa produksyon sa agrikultura at paghinto ng ilang local service.
Kasabay nito, hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagkilos para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong Pilipino, gayundin ang patuloy na pagkakaroon ng mga inisyatiba na magbubukas ng karagdagang oportunidad sa lahat, partikular sa industriya ng pagnenegosyo, na makapagaambag sa pambansang ekonomiya.
“Our focus is clear as we sustain our momentum. The Marcos administration remains steadfast in its goal in genuine social and economic transformation. Living our nation closer to realizing a Matatag, Maginhawa, at Panatag na buhay for all Filipinos,” dagdag ng NEDA. – DP/AL