IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglikas ng mga residente sa Albay, ipinag-utos ng PDRRMC ngayong Martes

Divine Paguntalan
1441
Views

[post_view_count]

Rescue operation of PRO 5 in Bicol Region due to Tropical Storm Kristine. (Photo by PNP Kasurog Bicol)

Ipinag-utos na ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Albay Public Safety and Emergency Management Office (PDRRMC-APSEMO) ang paglikas sa mga residente ng Albay na apektado ng pagbaha at pagragasa ng lahar at landslide dulot ng bagyong Kristine.

Ayon sa PDRRMC-APSEMO, kailangan ay matapos ang evacuation bago mag 5:00 p.m. ngayong Martes, Oktubre 22.

“Due to the widespread effect of Tropical Storm Kristine causing continuous rainfall that had caused flooding and possible landslide; the Albay PDRRMC-APSEMO hereby orders evacuation of population exposed to flooding, lahat and landslide effective immediately to be completed before 5:00 p.m. today, October 2, 2024,” ayon sa advisory ng lokal na pamahalaan ng Albay.

Inabisuhan na rin ang Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan partikular na ang Albay, Tabaco, Legazpi at Ligao Division Office para ihanda ang mga paaralan na magsisilbing evacuation centers.

Pinaghanda na rin ang Philippine National Police (PNP) Albay Police Provincial Office para magbigay ng seguridad sa mga evacuation route, centers at mismong sa mga komunidad na ililikas habang ang Philippine Army naman ay inatasan para sa available vehicles bilang transportasyon ng mga evacuee.

Batay naman sa 11:00 a.m. weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang magla-landfall ang bagyo sa northern Luzon bukas ng gabi o Huwebes ng umaga. —AL

Related Articles