IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglipat ng kulungan kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas, kinokonsidera ng Indonesia

Divine Paguntalan
558
Views

[post_view_count]

Mary Jane Veloso (Photo by International Commission of Jurists)

Ikinokonsidera ngayon ng Indonesian government ang hiling na mailipat ng kulungan ang overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso dito sa Pilipinas.

Bagaman binigyang-diin ng Indonesia ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng ‘criminal sanctions imposed by the courts’, iginagalang din nila ang diplomatikong samahan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

“The ministry is currently considering the option of ‘transfer of prisoner’ or prisoner transfer for foreign inmates, including Veloso in line with requests from the inmate’s home country. This matter has been discussed internally within the Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction and has also been brought to the attention of President Prabowo (Subianto),” pahayag ni Minister Yusril Ihza Mahendra.

Noong Enero 2024, bumisita si former Indonesian President Joko Widodo sa Malacañang para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pag ‘re-examine’ sa kaso ni Veloso.

Sa oras na payagan ito, sa Pilipinas na ipagpapatuloy ni Veloso ang kanyang sintensya ngunit depende pa rin ito sa mga kondisyon na ipapataw ng court ruling ng Indonesia.

“Indonesia respects the request from the Philippine government to consider the transfer of Mary Jane Veloso in the interest of law enforcement in the Philippines. However, the Philippine Government is obligated to acknowledge and respect the legal process regarding Mary Jane, including the verdict issued by the Indonesian court,” dagdag ni Mahendra.

Ayon din sa ministro, ang hakbang na ito ay bahagi ng ‘reciprocal cooperation’ ng dalawang bansa upang mas mapaigting pa ang kanilang international law enforcement.

Matatandaan noong 2010, na-aresto at pinatawan ng death penalty si Veloso dahil sa kasong drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilogram ng heroin sa kanyang maleta. – AL

Related Articles

National

99
Views

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

92
Views