IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagluluwas ng durian sa merkado ng New Zealand, patuloy isinusulong ni PBBM

Alyssa Luciano
192
Views

[post_view_count]

(Photo by City Government of Davao)

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tuluyang pagpasok ng produktong durian sa mga pamilihan ng New Zealand.

Sa kanilang bilateral meeting ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, iniulat ng Pangulo na nagpapatuloy ang negosasyon ng dalawang bansa para sa pag-export ng durian sa island country.

“We are talking about right now (with) our appropriate ministries. Ours is the Department of Agriculture for the Philippines and the Ministry for Primary Industries in New Zealand. [They] are already in discussion on how to achieve this [durian export],” saad ng Pangulo sa sidelines ng kanyang official visit sa Laos.

Sinang-ayunan ito ni Luxon na nagsabing maganda ang naging progreso ng dalawang bansa pagdating sa seguridad, kalakalan, at ekonomiya.

“I think on the economic front, we’ve talked about onions and pineapples. Pineapples are coming to New Zealand, onions [are] going to the Philippines, I hope. So, I think we’ve made some good progress there,” ani Luxon.

Nauna nang humingi ng market access ang New Zealand sa pamahalaan ng Pilipinas para makapagpasok ng kanilang produktong sibuyas sa bansa.

Nagkaroon na ng konsultasyon sa pagitan ng Department of Agriculture at Ministry for Primary Industries of New Zealand na inaasahang makukumpleto na sa malapit na panahon. -VC