IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapahaba sa barangay term hanggang 6 taon, napapanahon na -Sen. Marcos

Ivy Padilla
295
Views

[post_view_count]

Senator Imee R. Marcos (Photo by Imee Marcos)

Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na nakabinbin pa rin sa Kongreso ang Senate Bill No. 2629 o ang panukalang batas na magpapalawig sa termino ng mga barangay official hanggang anim (6) na taon mula sa kasalukuyang tatlong (3) taon.

Sa isang news forum ngayong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Sen. Marcos na siya na mismo ang mag-sponsor sa naturang bill sa oras na magpatuloy ang ikatlong regular session ng Kongreso sa Nobyembre 4.

Nais niyang isagawa ang susunod na barangay election kasunod ng 2028 Presidential election.

“Naisip ko kasi kung bago ang mandato, bago ang Pangulo sa 2028, hindi ba maganda na sunud-sunod lahat pati mga barangay captain, lahat iisa at sariwa ang mandato para isa lang yung direksyon,” paliwanag ni Sen. Marcos.

Binigyang-punto ng senadora na mula 1998, puro pagpapalawig na ang ginagawa sa mga termino sa barangay kung kaya’t napapanahon na para gawin itong anim na taon.

Itinuturing ni Sen. Marcos ang taong 2025 bilang ‘super election year’ kung saan isasabay ang makasaysayan at kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.

Isasagawa naman sa Disyembre ang automated Local and National Elections at Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE). -VC