IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapalabas ng P1.64-B PBB ng Philippine Army, aprubado na

Hecyl Brojan
240
Views

[post_view_count]

Photo from Armed Forces of the Philippines (AFP) and Department of Budget and Management (DBM).

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1.64 bilyon para sa FY 2023 Performance-Based Bonuses (PBB) ng 110,688 kwalipikadong opisyal at empleyado ng Armed Forces of the Philippines–Philippine Army (AFP-PA).

Inanunsyo ni PCO Usec. and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong Miyerkules, Setyembre 24, na bawat kwalipikadong sundalo at empleyado ay makakatanggap ng PBB na katumbas ng 45.50% ng kanilang buwanang sweldo, as of December 31, 2023, basta nakakuha ng hindi bababa sa “very satisfactory” rating sa Civil Service Commission-approved Strategic Performance and Management System (SPMS),

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pondo ay kukunin mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa ilalim ng Republic Act No. 12116 at FY 2025 General Appropriations Act.

“Alam po natin, lalo na po ni Pangulong Bongbong Marcos, ang pagpupursige at hirap ng bawat sundalo. This release underlines our commitment to recognize and reward our men and women in uniform who fulfill their duties with excellence.” ani Pangandaman.

Binigyang-diin ng DBM na ang pagpapalabas ng PBB ay patunay ng patuloy na suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kapakanan ng mga empleyado ng gobyerno at sa transparent at responsable na paggamit ng pampublikong pondo. –VC