
Sa isang phone call nitong Huwebes, Hulyo 31, tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay German Chancellor Friedrich Merz ang pagpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Germany sa usapin ng depensa at ekonomiya.
“Just had a good conversation with German Chancellor Friedrich Merz,” iniulat ni Pangulong Marcos Jr.
“We talked about strengthening our defense and economic cooperation, working together on regional issues, and creating more opportunities for our people,” dagdag niya.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang punong ehekutibo sa imbitasyon ni German Chancellor Merz na muling bumisita sa Germany sa lalong madaling panahon.
Si Merz ay nahalal at nanumpa bilang German Chancellor noong Mayo 6, 2025.
Una nang nagsagawa ng working visit si Pangulong Marcos Jr. sa Germany noong Marso 12-14, 2024 mula naman sa imbitasyon ni dating German Chancellor Olaf Scholz. – VC