Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy ang hakbangin ng pamahalaan para gawing maayos at moderno ang transport system sa Pilipinas kasabay ng inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 ngayong araw, Nobyembre 15.
“Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” pagtitiyak ng Pangulo.
Ipinagmalaki rin ng punong ehekutibo na kasalukuyang ginagawa ang iba’t ibang railways project sa bansa.
Kabilang na rito ang Unified Grand Central Station, Metro Manila Subway Project, MRT-7, North-South Commuter Railway, MRT-4, at Philippine National Railways South Long Haul.
Ipinaliwanag ni Pangulong Marcos Jr. na ilan sa mga proyektong pang-transportasyon ay posibleng hindi matapos sa ilalim ng kanyang administrasyon dahil aniya kinakailangan ng mahabang panahon upang tuluyang mabuo ito.
“This is the nature of railway development and of any large-scale development: this is not a short-term endeavor. It requires patience, persistence, and passion and commitment that extends beyond immediate timelines,”ani Pangulong Marcos Jr.
Gayunpaman, tiniyak ni PBBM na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para maibigay ang maginhawa, maayos at kalidad na transport system sa mga Pilipino.
“We are committed to building station after station, reaching as far and as fast as our people’s needs dictate,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr. – AL