IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagsusulong ng Regional Help Desk, panangga ng OFWs kontra pananamantala – Ben Tulfo

149
Views

[post_view_count]

Senatorial candidate Ben BITAG Tulfo at an event Paskong Pinoy Fiesta in Central, Hong Kong, December 15, 2024.

Para maiwasan ang pang-aabuso at pananamantala sa mga gustong maging overseas Filipino worker (OFW), kinakailangan ng Regional Help Desk sa buong bansa.

“Ang help desk ang pagtatanungan ng mga kababayan natin na gustong maging OFW. May naka-set-up sa bawat barangay at dapat nalalaman din ng lokal na pamahalaan. Mas mabuting magpaalam muna bago umalis para kayo ay magabayan,” paliwanag ng tumatakbong senador.

Ito ang sagot ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo sa problema laban sa illegal recruitment, human trafficking ng mga dorobong agency at mga recruiter.

Sa isang pagtitipon kung saan naging guest speaker ang senatorial aspirant na si Ben BITAG Tulfo sa Tarlac City, inilatag nito ang kaniyang solusyon sa mga totoong pangyayari at sa mga totoong biktima sa problemang ito.

Dinaluhan ito ng tinatayang 4,500 na pamilya ng mga OFW, mga returning OFW (Balik-Manggagawa) at mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Marami nang natulungan at naisagawang rescue operation ang kaniyang investigative program, BITAG na mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Nakiki-pagtulungan ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ IACAT) at NBI Anti Human Trafficking Division (NBI AHTRAD) sa mga rescue operation ng BITAG.

Dagdag pa ni Ben BITAG Tulfo, ang mga hakbang na ito’y kinakailangan ng ‘proactive approach.’ Hindi pa man nangyayari, may nakaamba nang aksyon at solusyon ang nasabing help desk.

Bago umalis ang gustong maging OFW patungong Maynila, nagagabayan at napag-iingat sa pamamagitan ng pagrehistro muna sa kanilang barangay at lokal na pamahalaan. At alam ang kanilang kinaroroonan at numerong maaring tawagan.

Makikipagtulungan ang BITAG Help Desk sa mga tanggapan ng pamahalaan sa bawat rehiyon. Dito masasabi nila ang mga tinutuluyan nila sa Metro Manila palang sa ga nagmamandang-loob na recruiter at recruitment agency.

Narito ang mga modus operandi na dapat malaman ng publiko.

“Una, magre-recruit sila, pagsasamantalahan ang mga gustong mangibang-bansa under the guise na ite-train kayo. Papatirahin kayo sa bahay nila na para kayong mga sardinas. Wala kayong sweldo, pagtatrabahuhin kayo. Yan ay uring pananamantala,” paliwanag ni Ben BITAG Tulfo.

“Pangalawa, papipirmahin agad kayo ng kontrata nang hindi nyo nalalaman kung ano ang inyong pinipirmahan. Kaya napakahalaga ng help desk para matulungan kayo bago kayo pumirma,” dagdag pa ng tumatakbong senador. (Office of Ben BITAG Tulfo)

Related Articles