IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagtaas ng airport fee, may go signal ng gabinete ni PBBM – DOTr Sec.

Alyssa Luciano
449
Views

[post_view_count]

(Photo by Earl Tobias, IBC 13)

Nilinaw ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na dumaan sa ilang pagpupulong kasama ang gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inaprubahang dagdag-singil sa airport fees ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Taliwas ito sa ikinakalat na ‘unilateral decision’ umano ng DOTr ang pagtaas sa airport fee.

“Sinasabi dun na we approved the rates without approval from Cabinet. It passed through the Cabinet meetings. We had many Cabinet meetings to discuss this,” saad ng kalihim.

Dagdag niya, suportado mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang naturang polisiya.

Kamakailan nang inanunsyo ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) na magtataas na simula sa Setyembre 2025 ang domestic terminal fee mula P200 patungong P550, habang ang mga international passenger naman ay magbabayad ng P950 mula sa dating P550.

Samantala, nagsimula nang maningil ng mas mataas na parking rates sa NAIA nitong Martes, Oktubre 1 ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Related Articles