IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagtanggi ni VPSD na ipaliwanag ang mga kwestyonableng pangalan sa maanomalyang confidential fund, isang ‘betrayal of public trust’ – House prosecutor

Ivy Padilla
138
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte (Photo by PNA)

Tinawag ni House Deputy Majority Leader Lorenz R. Defensor na ‘betrayal of public trust’ ang patuloy na pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanang ang mga kwestyonableng pangalan na umano’y tumanggap sa P612.5-milyong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ayon kay Defensor, isa sa mga impeachment prosecutor sa trial ng Pangalawang Pangulo, hindi sana uusad ang impeachment laban kay VP Sara kung dumalo ito sa mga pagdinig ng House Committee on Good Government at ipinaliwanag ang mga kahina-hinalang recipient ng confidential funds.

“That makes it even worse because it violates your oath on accountability on public trust. It’s a clear betrayal of public trust,” saad ng mambabatas.

Nakaraan lang nang muling nadagdagan ang listahan ng mga pangalang tumanggap mula sa confidential funds kabilang sina “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim” na tinawag na “Team Amoy Asim”.

Sinundan nito ang mga naunang pangalan na inilarawan ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V bilang “Budol Gang”.

Matatandaan na tumanging magbigay ng paliwanag si VP Sara nang huling makapanayam sa The Hague, Netherlands kaugnay sa mga bagong pangalan.

“If they told the truth, if they cooperated with Congress and answered our questions, maybe we wouldn’t be here. But they didn’t—and that’s why we are,” ani Ortega. – VC