IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagtawag ni VPSD ng ‘bakla’ sa mga pulis, kinondena ng Bahaghari chairperson

Jerson Robles
195
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte has accompanied OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez to another hospital on Saturday, Nov. 23. (Photo by HOR)

Kinondena ni Reyna Valmores-Salinas, chairperson ng Bahaghari, ang aniya’y ‘derogatory’ na pahayag ni Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) kamakailan.

Matatandaang nagsalita ng ‘huwag kayong bakla’ si VP Duterte sa ilang pulis habang inililipat ng ospital ang Chief of Staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez.

Para kay Valmores-Salinas, ang pagiging bakla ay hindi isang insulto at sa halip ay isang marangal na estado.

Ang tunay aniya na nakakainsulto ay ang mga pulitiko na hindi kayang sagutin ang mga simpleng tanong ng mamamayan tungkol sa paggamit ng pondo.

Tinawag pa ni Salinas na “trapo behavior” ang aksyon ni VPSD na nagbigay ng pangako noon sa sektor ng LGBTQIA+ na sila ay isasama sa mga plano at ipaglalaban.

“Pagdating sa halalan, sasabihin nila kunwari, pinaglalaban ka namin, kasama ka sa programa namin pero sa gawa iba naman pala ang ipinapakita. Ang tawag po duon ay trapo. And unfortunately, kahit gaano po natin bali-baliktarin pagiging trapo po, trapo behavior ang ipinapakita ni VP Sara lalong-lalo na sa mga miyembro ng LGBT Community na pinangakuan niya noong panahon ng election,” sagot ni Salinas sa isang panayam sa Mark In, Mark Out ng Radyo Pilipinas ngayong Martes, Nobyembre 26.

Binatikos din ng Bahaghari chairperson ang mga elected officials na hindi nagbibigay ng malinaw na impormasyon sa publiko, na nagdudulot lamang ng kawalang tiwala sa kanilang pamumuno.

Hangad ni Salinas na itaguyod ang dignidad ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community at hamunin ang mga pulitiko na maging accountable sa kanilang mga aksyon.

Matatandaan noong 2022, inamin ni VP Duterte na siya ay bahagi ng LGBTQIA+ community.

Related Articles

National

Ivy Padilla

93
Views

National

Ivy Padilla

103
Views

National

Ivy Padilla

281
Views